v Ang bawat contractual na tao (temporary employee) o trainee na under ng Gastardo Career Management Services ay may sariling takdang gawain at tungkulin. Ito ay dapat niyang sundin at bigyan ng halaga.
Attendance at Absences
- Ang pag-pasok sa trabaho ng lagpas sa ____ minuto ng takdang oras ay katumbas ng pagiging late. Ang pangatlong late sa isang buwan ay katumbas ng pagiging absent ng isang araw at pagtanggap ng:
1st Offense - written warning memo
2nd Offense – suspension
3rd Offense – ang Pagtanggal sa serbisyo (Termination)
- Ang pag-alis ng walang paalam o walang mabuting dahilan habang naka-duty ay matatanggal sa serbisyo.
- Labas ang mga day-off pinahihintulutan lamang ng ___ araw ang hindi pagpasok sa isang buwan, maliban kung may pahintulot galing sa opisina.
- Ang hindi pagpasok ay kailangang itawag muna sa opisina a day before unless kung may emergency kung hindi masususpindi.
- Ang hindi pagpasok na walang paalam sa opisina ng ____ araw na sunod-sunod sa isang buwan ay katumbas ng AWOL o absence without leave at ito ay basehan ng pagtanggal sa serbisyo.
- Ang break sa bawat shift at tatagal lamang ng ____ minutes at ang hindi pagsunod ay makakatanggap ng Warning Memo.
Uniform at mga ibang Gamit (ang paglabag sa mga sumusunod at makatanggap ng Memo):
- Ang bawat contractual na tao (temporary employee) o trainee ay dapat nakasuot ng kumpletong uniform sa wastong paraan habang nakaduty.
- Ang mga damit, sapatos, o ano mang gamit ng bawat contractual na tao (temporary employee) o trainee ay dapat nakatabi ng maayos. Ang ano mang gamit na wala sa lugar na dapat paglagyan ay kukumpiskahin ng opisina.
Conduct & Behavior (Ang mga sumusunod ay mahigpit na ipinagbabawal habang nakaduty and /or nasa loob ng premises ng kompaya o opisina o sa pinagtatrabahuan. Ang paglabag dito ay makakatanggap ng Memo at katumbas ng Pagkatanggal (TERMINATION) sa serbisyo.)
- Ang hindi pagsunod o ang pagtanggi ng utos galing sa amo na may kaugnayan parin sa trabaho.
1st Offense – final written warning memo
2nd Offense – ang Pagtanggal sa Serbisyo (Termination)
- Ang hindi paggalang sa mga nakakataas sa kanya o superior sa kanya at ang hindi pagsunod sa kanyang mga tungkulin.
1st Offense – final written warning memo
2nd Offense – ang Pagtanggal sa Serbisyo (Termination)
- Pagpakita ng ano mang klaseng karahasan, hindi paggalang, at kabastusan sa kapwa empleyado at sa customers.
1st Offense - written warning memo
2nd Offense – suspension
3rd Offense – ang Pagtanggal sa Serbisyo (Termination)
- Paghamon ng away sa nakakataas sa kanya, sa katrabaho at sa customers ay katumbas ng pagkakatanggal sa serbisyo (Termination).
- Ang hindi pagpapaalam na magtipon-tipon o mag usap-usap tungkol sa Labor Union ay katumbas ng pagkatanggal sa serbisyo (Termination).
- Natutulog at ang paglalaro na hindi ugnay sa trabaho habang naka-duty o nasa premises ng opisina o sa kompanya ay katumbas ng:
1st Offense - written warning reprimand
2nd Offense – suspension
3rd Offense – ang Pagtanggal sa Trabaho (Termination)
- Pag-sira o vandalize ng mga gamit sa kompanya o opisina na pinapasukan ay katumbas ng pagkakatanggal sa serbisyo (Termination).
- Pagsugal o pag-inom ng ano mang alcoholic beverage habang naka-duty o nasa premises ng opisina o kompanya na pinapasukan ay katumbas ng pagkatanggal sa serbisyo (Termination).
- Hindi pagtanggap ng kanyang kamalian kapag nabigyan ng Memo o kapag napagsabihan.
1st Offense - written warning memo
2nd Offense – suspension
3rd Offense – ang Pagtanggal sa serbisyo (Termination)
_______________________________
Lagda sa ibabaw ng Pangalan